π™π™€π™π™‰π˜Όπ™‰π˜Ώπ™„π™‰π™Š π™ˆπ™Žπ™ˆπ™€π™¨, π™‹π™„π™‰π˜Όπ™‡π˜Όπ™†π˜Όπ™Ž π˜Όπ™‰π™‚ π™Žπ™π™‹π™Šπ™π™π˜Ό 𝙉𝙂 π˜Ύπ™„π™π™” π™‚π™Šπ™‘π™€π™π™‰π™ˆπ™€π™‰π™ π™Žπ˜Ό π™‡π™„π™†π™ƒπ˜Ό 𝙉𝙂 π˜Ύπ™€π™‰π™π™π˜Όπ™‡ π™‡π™π™•π™Šπ™‰ π™π™π˜Όπ˜Ώπ™€ π™π˜Όπ™„π™

City of San Fernando (P) – Anim na homegrown micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa Fernandino community ang tumanggap ng tig-P10,000 karagdagang tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan bilang suporta sa kanilang paglahok sa 28th Likha ng Central Luzon Trade Fair, na gaganapin mula September 23 hanggang 27, 2026 sa SM Megamall.Β 

Ang kabuuang P60,000 financial assistance ay ipinagkaloob sa anim na Fernandino entrepreneurs upang makatulong sa kanilang paghahanda at gastusin para sa naturang trade fair, na magsisilbing mahalagang plataporma upang maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.Β 

Sa isang pagpupulong kasama si Department of Trade and Industry (DTI) Pampanga Provincial Director Ma. Cristina Evangelista, muling pinagtibay ng City Government, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Vilma Balle Caluag, ang patuloy nitong pangako na suportahan at palakasin ang sektor ng MSMEs bilang mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya.Β 

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagbibigay ng konkretong suporta sa mga lokal na negosyante na patuloy na nagsusumikap na mapalago ang kanilang mga negosyo, mapalawak ang kanilang merkado, at maipakilala ang mga produktong likha ng mga Fernandino sa mas maraming mamimili.Β 

Higit pa sa pagbibigay ng tulong pinansyal, ang paglahok ng mga Fernandino MSMEs sa trade fair ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa market expansion, business networking, product promotion, at pagbuo ng mga bagong business partnerships.Β 

Ang Likha ng Central Luzon Trade Fair ay nagsisilbing mahalagang venue para sa mga MSMEs na maipamalas ang kalidad, talento, at pagiging malikhain ng mga lokal na negosyante, habang itinatampok ang mga produktong gawa sa Central Luzon.Β 

Sa ganitong mga hakbang, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang isang mas masigla at inklusibong business environment kung saan ang mga Fernandino entrepreneurs ay nabibigyan ng pagkakataong umunlad, makipagsabayan, at maipakilala ang kanilang mga produktong likha sa mas malawak na merkado.Β 

#FernandinoTaraMagobra

#CPESOKayabeKingTagumpe

#FernandinoKaKayabeKa